Hi Friends. Lahat naman kayo pinapahalagahan ko ah. Pero bakit ganun, parang di niyo nakikita. Bakit sa tuwing may tinutulungan akong isang tao sa huli ako parin magiging masama? Bakit sa huli ako yung backstabber? Ako yung may kasalanan? Ako yung sinungaling? Hindi ko naman sinasabing perpekto ako. Pero alam niyo naman kung sino kayo mga kaibigan ko eh. Pero trust naman, sa tingin niyo ba gagawa ako ng against sa inyo? Unfair lang kasi. Sinasabi ko yung alam ko at yung alam kong makakatulong sa inyo, hindi para manira. Pero bakit bigla nalang may malalaman akong nagagalit? Tapos pag kinakausap ko hindi naman sumasagot? Sa tingin niyo ba ok lang sakin na alam kong may galit sakin? Siguro nga dapat hindi ako matakot na may galit sakin kasi alam kong wala naman akong kasalanan. Pero di ko lang talaga matiis isang araw, na alam kong may taong galit na galit sakin sa isang bagay na hindi ko pa alam kung bakit?
Siguro nga palabiro ako, mukha akong matapang pagdating sa away. Pero kung alam niyo lang. Hindi ako nakakatulog lalo na pag alam kong may galit saakin. Lalong masakit kung kaibigan ko pa na sobra. STATUS SA FB? PARINIG SA TWITTER? MALALAMAN KO NA LANG SA ISA PANG KAIBIGAN? NAMAN. Di ko kailangan niyan. Kailangan ko kausapin niyo ko at sabihin niyo ano problema niyo sakin. PERO yung hindi kayo sasagot sa message ko? Hindi kayo sasagot sa mga tanong ko kung bakit? tas doon sumasagot sa mga comment comment? PLS NAMAN. Sana naman maintindihan niyo, MAHIRAP YUNG FEELING NA ALAM MONG MAY GALIT SAYO SA ISANG BAGAY NA HINDI NAMAN MALINAW AT HINDI MO ALAM KUNG ANO TALAGA YUNG RASON KUNG BAKIT NAGAGALIT.
Naranasan ko na din yan dati eh. Nasira yung grupo naming magkakaibigan, hindi na ulit nabalik, hindi na ulit napagusapan. Kasi pinili nung tao na manatiling GALIT. Siguro nga nagpatawad, pero hindi kinalimutan yung pagkakamali ng grupo kaya hindi ulit na ayos. Ayoko na uli mangyari yun. Ayoko.
Siguro nga masyado akong madrama pagdating sa kaibigan? siguro reaksyon niyo KAIBIGAN lang yan! Mareresolba din yan. Siguro nga mareresolba, pero ayokong patagalin. AT AYOKONG MAS LALONG LUMALA AT MASIRA.
Kung sa tingin niyo na ako talaga yung may kasalanan, SIGE, FINE. Sabihin niyo, hindi na ulit ako magsasalita o mag bibigay ng advice. Mas ok yun sakin kaysa sa magagalit kayo sa isang bagay na sinabi ko. Isang advice na tinurnout niyo na BACKSTAB.
Sinulat ko to kasi kailangan ko lang mailabas, mahirap walang cellphone, walang tawag, walang kausap. Lalo na kung yung mga kaibigan na sinasabihan mo ng problema mo ay galit na din sayo.
Sana lang paminsan, pagisipan niyo naman yung sasabihin niyo bago kayo magsalita. Alamin niyo muna lahat bago niyo tawagin sa isang bagay na kinaiinisan niyo. Sana din sumagot kayo. Ayoko kasi ng away, ayoko ng parinigan. May problema kayo sabihin niyo. Nagtanong ako, sumagot naman kayo. Para malinaw.
Pls lang. PLS.